Hindi ko naman maintindihan kung bakit tinawag na Simbang Gabi pero sa umaga naman nagaganap. Hindi ko den ma-gets kung bakit nagpupumilet gumising ang mga tao para magsimba ng 9 days para lang sa wish. Totoo ba yun? Pano naman matutupad ang wish mo pag nabuo mo ang simbang gabi? Malas pa kung sa 9th day mo, di ka nagising. Pano na ang wish? Better luck next year? Tas pag na-late ka sa mass, counted pa ba yun?
Hindi ko den naman magets kung bakit sa simbang gabi usong uso ang puto bumbong at bibingka. Rare ba ang ingredients nito at sa December lang pwede mabili? Although meron naman mabibilan nito all year round like sa Via Mare. Pero ang mahal, diba?
Bad trip lang sa kagaya kong hindi naman nagsisimbang gabi pero 6 am ang shift at araw-araw dumadaan sa bakery para sa pandesal kasi ang dami ko ng kaagaw sa attention ng tindera. Aynako, 2 days na ko montik na ma-late dahil sa kanila! Eh nung Monday lang tulog pa ata si manang nung dumaan ako. Nalito pa nga kung 30 pesos o 30 pieces ang order ko kasi naman same lang nya i-pronounce.. tarty pisus. Aynaku teh!
Nagsimbang gabi na ren naman ako dati nung high school. Kasi uso. Ay actually kasi yung mga busmates ko dun na sa park (kung san may simbang gabi) nagpapadaan. Ay nakiuso ako. Kala ko cool. Pero di na ko sumama ulet kasi ang aga ko nagising at antok na ko the whole day. Sa bahay na ko nagpasundo tutal yun naman ang binbayad ng mommy ko sa school bus, diba?
Wala lang. Gusto ko lang magbuhos ng aking saloobin. Actualy dun talaga ko sa pandesalan apektado. Ang bagal na kasi ni manang kumilos. Bukas agahan ko para mauna naman ako sa mga church goers. Haha!!