1. Alas-9 na ng gabi hindi pa ako nakaka-kain. Ang akala kasi may kanin na. Huling kain, 12pm. Ang tagal na nun ah. Ay nag turon naman pala ako ng mga 5:45pm. Pero naman, sa laki kong to, kaya ba ng apaka-nipis na turon ang gutom ko? Shempre hindi!
Kung sa dati ko tong buhay, malamang nangupit na ako ng pang-gas at lumabas ng bahay. Baka nag-hatak ako ng kasamang iinom or kahit tatambay lang kung saan. Ibubuhos ko ang galit ko sa yosi.
Pero hindi na ako yon. Binago na ko ni Lord. And now, I'm just blogging about it. Diba bongga?
Ang pagiging Kristiyano ay hindi nangangahulugan na perpekto na ako. Wag nyo ko i-judge. Marumi pa rin ako, may evil thoughts at paminsan-minsan natatalisod. Pero, something I can be proud of is alam ko na ngayon kung saan o kanino ako dapat tumakbo tuwing ganto ang nararamdaman ko.
I will remind myself of God's grace, repent and I know God will heal my broken heart.
2. Walang gas ang kotche-car ko. Ilan buwan ng nanganganib na masimutan si Niko. Hindi pwede kasi automatic to at siguradong masisira ang makina ko. May small group pa ako bukas, hindi ko alam paano. Sana pwedeng tubig ang pang-takbo, walang problema, may reserba pa.
3. Ang bagal ng internet. Kahit magreklamo sa provider, ganun pa din. Walang pagbabago. Hindi nakaka-bilis ng connection ang I-apologize-for-the-inconvenience nyo!
4. Masakit pa rin ang katawan ko. Although in fairness, 15% nalang ang natitirang pain. Parang nangalay nalang. Pero masakit parin. At least kaya ko na maglakad sa hagdan. Sige na nga, wag na natin to isama sa init ng ulo ko.
5. Nakikita ko ang tan line ko -- hugis t-shirt. Ayos.
6. Lahat ng pwede kong kausapin tungkol sa totoong nararamdaman ko ay wala dito. Hindi pa sumasagot sa text, YM at BBM ko. Asan ba kayo?!
7. Hindi ko alam kelan ko sisimulan ang med na binigay ng kapatid ko. 5 days daw kasi na gulay at prutas lang pag ininom ko to. Ano ko kuneho? Teka lang ha, pag-iisipan ko muna...
8. May naghahabol at nangungulit sakin. Actually, ikaw ata talaga ang dahilan ng pagka-init ng ulo ko. Hindi ko kasi alam paano mo ko titigilan. Sinabi ko na nga na hindi na pwede. Hindi na ganon. Kahit anong gawin mo hindi ko na yun babalikan. Wag na makulit please.
9. Gusto ko magsulat ng reflection pero hindi handa ang heart ko. Ang lalim no?
10. PMS.
At dahil naibuhos ko na ang ikinasasama ng loob ko.. na hindi ko naman pwedeng ibuhos lang kung kani-kanino dahil wala naman akong kinaiinisan in particular, nagbasa nalang ako ng Bible ko at nagdasal. At eto, shempre on cue palagi si God. Timely.
Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyong taimtim sa inyong puso ang salita ng Diyos sapagkat ang salitang ito ang makakapagligtas sa inyo.(Santiago 1:20-21)Tinagalog ko para pasok sa theme.
Kung sa dati ko tong buhay, malamang nangupit na ako ng pang-gas at lumabas ng bahay. Baka nag-hatak ako ng kasamang iinom or kahit tatambay lang kung saan. Ibubuhos ko ang galit ko sa yosi.
Pero hindi na ako yon. Binago na ko ni Lord. And now, I'm just blogging about it. Diba bongga?
Ang pagiging Kristiyano ay hindi nangangahulugan na perpekto na ako. Wag nyo ko i-judge. Marumi pa rin ako, may evil thoughts at paminsan-minsan natatalisod. Pero, something I can be proud of is alam ko na ngayon kung saan o kanino ako dapat tumakbo tuwing ganto ang nararamdaman ko.
I will remind myself of God's grace, repent and I know God will heal my broken heart.
For the grace of God that brings salvation has appeared to all men. It teaches us to say “No” to ungodliness and worldly passions, and to live self-controlled, upright and godly lives in this present age. (Titus 2:11-12, NIV)Pag-pray mo ko ha.